Bea Alonzo Isiniwalat na hindi siya ang nag-initiate ng hiwalayan nila ni Dominic Roque



Nagsalita na ang aktres na si Bea ALonzo hinggil sa hiwalayan nila ng modelong si Dominic Roque.

Ang mga pahayag ng aktres ay talagang ikinagulat ng marami dahil sa hindi inaasahang ‘twist’ ng kwento. Ang buong akala ng marami, si Bea ang nakipaghiwalay kay Dominic dahil sa ilang mga isyu ng model aktor, pero taliwas umano ito sa tunay na pangyayari.

Sa panayam ni Nelson Canlas ngayong gabi, June 13, 2024, ibinulgar ni Bea na hindi siya ang unang nakipagbreak.

Paglilinaw ng aktres, hindi siya ang nag-initiate ng hiwalayan nila ni Dominic, taliwas sa haka-haka ng marami.

“That’s false. Hindi ako ang nakipag-break.  Pero huwag na nating pagusapan yun. Let’s leave it in the past. It’s amicable. Okay naman kami,” pagbabahagi ni Bea kay Nelson Canlas para sa GMA News.

Hiling ng akres na huwag na itong pag-usapan pa bilang respeto na rin sa naging relasyon nila ng dating kasintahan.



Post a Comment

0 Comments