Xian Lim, iginiit na si Kim Chiu ang nakipag hiwalay, at malinis ang kanyang record


Kahapon, June 12,2024, muling nakapanayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” ang aktor na si Xian Lim. Ito ay hinggil pa rin sa isyung...see more


 hiwalayan nila ng aktres na si Kim Chiu.

Sa nasabing panayam, naitanong ni Boy sa aktor kung magkaibigan pa sila ng aktres na si Kim matapos ng kanilang hiwalayan.

“Of course, nagulat ako sa tanong, of course, yes,” sambit ng aktor.

Dagdag pa ng aktor, “But, when that night happened, maayos ‘yung pag- uusap namin. Of course, merong iyakan… but there was that assurance na we… we went through 12 years, di ba? 12 years of our existence, so it has that respect, you know?”

Nilinaw din ni Xian kay Boy na hindi siya ang nag-initiate ng hiwalayan nila ni Kim. Si Kim umano ang nakipaghiwalay sa kanya.

“To be completely honest, I wasn’t the one who engaged in the separation. ‘Yun lang po. Its that simple, I wasn’t the one who initiated the break-up,” pagtatapat ni Xian.


Samantala, in-address rin ni Xian ang mga pambabatikos na natatanggap mula sa mga netizens. Tila hindi matanggap ng aktor na siya ay pinaratangan ng hindi magagandang salita tungkol sa breakup nila ng aktres.

Pagtatanggol ni Xian sa kanyang saarili, “Yung mga pambabatikos sa akin ng karamihan. I think they should just look at it from us… na for more than a decade… I never had… my record is clean and I’m proud of that.”

Post a Comment

0 Comments